ALBAY – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa Brgy. Gabawan, Daraga, Albay umaga nitong Sabado, Abril 6.
Nanguna sa aktibidad ang PNP Regional Training Center Bicol Mentors, katuwang ang Public Safety Officer Candidate Course Batch 2023-02 Maalab, Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Officials sa lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Elardo, ang Assistant Chief ng RTC Bicol, layunin ng aktibidad na mapanatili ang magandang kapaligiran na napakahalaga ngayon lalo na at sunod-sunod ang pagtama ng mga natural na kalamidad saan mang sulok ng mundo.
Idiniit pa ni Police Executive Master Sergeant Ryan Llenaseras, ang Training Executive Senior Officer at ang tagapagsalita ng RTC Bicol na bukod sa pagiging dedikadong public servants, isa pa sa mga binigyang halaga nila ay ang pangangalaga sa kapaligiran.
Pinapasalamat naman ni Punong Barangay Imelda Clemente ang pagkakapili ng kanilang barangay sa nasabing pagtitipon.
Kabuoang 60 seedlings ng Narra, Talisay at Lawaan ang matagumpay na naitanim sa aktibidad.






