ALBAY – Naging matagumpay ang inilunsad na tree planting activity ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) Bicol sa Barangay Lidong, Sto. Domingo, umaga nitong Marso 19, 2024.
Ang aktbidad ay bahagi ng ‘Adopt a Mountain Program’ ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) Bicol.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Brenda Garcia, ang Officer-in-Charge (OIC) ng PCADG Bicol, layunin ng naturang aktibidad na mapalago pa ang likas na yaman na mapapakinabangan rin ng mga susunod na henerasyon.
Kabuoang 400 na Sambulawan tree mula PENRO Albay ang naitanim sa aktibidad na nasa paanan lamang ng Bulkang Mayon.
Bukod sa mga tauhan ng Regional Police Community Affairs Development Unit 5, Regional Drug Enforcement Unit 5, Regional Mobile Force Batallion 5, Sto. Domingo Philippine National Police (PNP) at iba pang sangay ng PNP Bicol, nakiisa rin ang ibang stakeholders at Non-governmental Organization kagaya ng Kaakibat Civicom Legazpi City Chapter.
Samantala, magkakaroon rin ng Memorandum of Agreement (MOA) ang opisina sa nasabing barangay para sa mas malawak pang implementasyon ng mga programa ng PNP na tiyak na maghahatid ng magandang epekto sa kapaligiran at sa komunidad.






