Pinangunahan ng Department of Environmental and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang isinagawang Tree Planting Activity at Clean Up Drive sa Macabolo River sa Barangay Taysan, Legazpi City nitong Sabado, Marso 23, 2024.
Ayon kay Regional Director Maria Socoro, malaki ang ambag ng mga ganitong aktibidad sa kapaligiran na siguradong mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.
Kabuuang 300 tanim na Narra, Baligang, Tambis, Star Apple, Dancalan at Acacia seedlings na mula sa City Environmet and Natural Resources ang matagumpay na naitanim sa lugar.
Maging ang piling tauhan mula sa Department of Education (DepEd), Legazpi City Police Station (CPS), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy ay nakiisa rin dito.
Ang aktibidad ay isinulong ng naturang baranngay na pinamumunuan ni Punong Barangay Benjamin Rosin.
May tema ang aktibidad na Macabolo River Clean Up and Tree Planting; Sararo, Sarabay, Salog satong Ipakaray’.






