LEGAZPI CITY, ALBAY – Idinaos ng Bicol University (BU) College of Nursing sa Lungsod ng Legazpi ang ‘Tres Aktibidades de Marso’ nitong Huwebes, Marso 21, 2024.
Ang tema ng aktibidad ay, “Building Women’s Self Worth to Win Against Violence and Abuse.”
Alok sa naturang aktibidad ang iba’t ibang serbisyo tulad ng libreng pagpa-CBG, Blood Pressure Monitoring, Ear Accupunture, Massage, Haircut, Manicure, Pedicure at iba pa.
Naging benepisyaryo ng aktibidad ang Faculty Members at Non-teaching staff ng nasabing kolehiyo.
Bukod sa mga nasabing libreng serbisyo, nagkaroon rin ng seminar ukol sa mga usaping pangkababaehan at pangkabataan at kung anu-ano ang kanilang mga karapatan. Naimbitahan na maging Resource Speaker si Atty. Hyacinth Merioles.
Ayon kay Dr. Odette Rejuso Gonzales ang Gender and Development Coordinator ng BU College of Nursing, binuo nila ang pagtitipon upang bigyan ng simpleng kasiyahan ang kapwa nila babae lalo na ngayong ipinagdiriwang ang Women’s Month.
Sinuportahan din ng Ako Bicol PartyList ang aktibidad, ayon kay Cong. Atty. Jil Bongalon, malaking bagay ang ganitong mga aktibidad na nagpapa-usbong sa kaalaman ng mga kababaihan lalo na ng kanilang mga karapatan.
Siniguro naman ng opisyal na palaging nakasuporta at protektado ng partido ang mga kababaihan at kabataan.
Samantala, bukod sa Ako Bicol Partylist, nakatuwang rin ng BU College of Nursing ang Technical Education and Skills Development (TESDA) Bicol at si dating kongresista Christopher ‘Kito’ Co sa pag-organisa ng pagtitipon.




