Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa Bicol River sa bahagi ng Mabolo Bridge, Lungsod ng Naga, alas-5:30 ng hapon nitong Linggo.
Kinilala ang biktimang si Mavrick Abeza y Hernandez, 28 anyos, binata, isang tricycle driver at residente ng Purok 2, Brgy. Mabolo ng naturang lungsod.
Ayon kay Police Lieutenant Chester Pomar, ang tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), wala silang nakitang foul play at malinaw na pagkalunod ang dahilan ng kamatayan ng biktima.
Lumalabas na naligo ang biktima sa ilog pero dahil lango sa alak, nauwi ito sa kanyang pagkalunod.
Sa retrieval operation, natagpuan ang biktima sa tabi ng mga water lily ilang metro ang layo mula sa bahagi ng pinaliguan nito.
Nakaburol na ngayon ang biktima sa kanilang bahay, at hindi na inotopsiya pa ang biktima sa kagustuhan na rin ng kaniyang naiwang pamilya.






