Pinasinungalingan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na ulat sa social media ukol sa umano’y ‘international health concern’.
Ayon sa DOH, hindi sinusuportahan ng maaasahang mapagkukunan ng impormasyon ang kumakalat na social media post tungkol sa isang diumano’y international health concern.
Iginiit ng kagawaran na wala itong kumpirmasyon mula sa World Health Organization (WHO).
Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang sinasabing bagong epidemya sa China na may kinalaman sa influenza A, HMPV, mycoplasma pneumonia, at COVID-19.
Maging ang Chinese Embassy ay pinasinungalingan ang naturang post, at tinawag itong fake news.
Idinagdag pa ng DOH na ang Pilipinas ay aktibong miyembro ng WHO Network na sumusunod sa International Health Regulations (IHR). Ito ang nagbibigay updates sa international health concerns.






