Inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang batas na naglalayong mas makaakit ng maraming non-resident tourists sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng Value Added Tax (VAT) Refund System sa locally purchased goods.
Nilagdaan ng Punong Ehekutibo ang Republic Act 12079 o ang Act Creating VAT Refund Mechanism for Non-Resident Tourist.
Ayon kay Pangulong Marcos, na bukod sa paghihikayat ng higher spending sa mga turista para mapasigla ang ekonomiya, binibigyan din ng batas ng oportunidad na mai-promote ang lokal na produkto ng Pilipinas na gawa ng mga komuinidad na malalapit sa local tourist destinations.
Nitong 2023, ang Philippine tourism sector ay nakapag-ambag ng 8.6% sa gross domestic product (GDP).
Sa ilalim ng VAT Refund System, maaaring mag-claim ng refund ang mga turista sa VAT para sa mga produktong kanilang binili sa accredited retail outlets, basta ang mga produktong ito ay mailalabas sa bansa sa loob ng 60 araw at maabot ang minimum transaction requirement na P3,000.
Makakatulong ang VAT refund program para maipagmalaki ang mga lokal na produkto ng Pilipinas.
Hinikayat ni Pangulong Marcos ang Department of Finance (DOF), at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pakikipagkonsultasyon sa Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), National Economic and Development Authority (NEDA), at Bureau of Customs (BOC) na bumuo ng implementing rules and regulations upang gawing simple, accessible, at culturally inclusive, ang VAT refund process.
Sa tulong ng batas, inaasahang tataas mula P3.3 billion patungong P5.7 billion ang additional revenues mula 2024 hanggang 2028, at makakapaglikha ng 4,400 hanggang 7,100 jobs kada taon.
Para kay House Speaker Martin Romualdez, ang karagdagang tourist arrivals at pagtaas ng tourist purchases ng locally-made products dahil sa VAT refund ay mangangahulugan ng dagdag na economic activities na mapapakinabangan ng lahat.
Pag-amiyenda sa Agricultural Tariffication Act (ATA)
Pinirmahan din ni Pangulong Marcos ang batas na nag-aamiyenda sa Agricultural Tariffication Act (ATA) na layong gawing competitive ang rice industry sa bansa.
Sa paglalagda sa Republic Act No. 12078, sinabi ni Pangulong Marcos na tugon ito sa kakukalangan ng supply ng bigas sa bansa, at titiyaking may steady access ang mga magsasaka sa resources na kanilang kailangan.
Ang batas na nag-aamiyenda sa Republic Act 11207, o Rice Tariffication Law, layong palawigin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at itaas ang pondo nito mula P10 billion sa P30 billion kada taon.
Titiyakin din ng batas na mananatiling abot-kaya at accessible ang presyo ng bigas sa bawat Pilipino, lalo na at ang Department of Agriculture (DA) ang mangunguna sa pagsasagawa ng mga hakbang upang mapatatag ang presyo sa merkado sa oras na magkaroon ng rice shortages o price hikes.
Pinagtitibay ng batas ang regulatory powers ng DA para malabanan ang hoarding, price manipulation, at iba pang pananamantala sa merkado.
Minamandato rin ang National Food Authority (NFA) para panatilihin ang rice buffer stocks na eksklusibong nagmumula mula sa local farmers, pagtiyak ng food security at livelihood support mula sa agricultural sector.
Ang Bureau of Plant Industry (BPI) ay magsasagawa ng inspeksyon sa rice warehouses at babantayan ang national database para sa tracking ng grain storage, pag-safeguard sa food supply ng bansa, at pagtiyak ng kaligtasan nito para sa publiko.
Sa ilalim, makatatanggap ng enhanced support ang Seed Program at Mechanization Program para mabigay sa mga magsasaka ng access sa high-quality seeds para i-boost ang kanilang yields.
Para kay House Speaker Martin Romualdez na ang naturang batas ay sumisimbulo ng tagumpay ng bawat Pamilyang Pilipino.
Pinuri ni Romualdez si Pangulong Marcos sa kanyang decisive leadership at genuine concern para sa mga Pilipino, pagtutok sa mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng bawat pamilyang Pilipino.
Nagpapasalamat din si Romualdez sa mga kapwa mambabatas at stakeholders para sa kanilang pagsisikap na mabuo at maipasa ang batas.
School-based mental health services
Ganap na rin bilang batas ang Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na layong magtatag ng mental health at well-being program sa mga eskwelahan.
Sa ilalim ng Republic Act No. 12080, magde-develop school-based mental health programs, magtatayo ng schools division mental health at well-being offices sa care centers.
Layunin ng batas na itatag ang mental health at well-being programs para sa basic education learners at teaching at non-teaching personnel sa public at private schools.
Ayon kay Pangulong Marcos, tutugunan ng bagong batas ang mahalagang aspeto ng mental health sa paaralan.
“Through this Act, schools will become sanctuaries of learning and of well-being. Care centers staffed by trained professionals will provide counseling and stress management workshops, and implement programs to reduce stigma around mental health,” sabi ni Marcos.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, na mayroong economic at social costs ng neglecting ng mental health.
“Globally, mental health challenges could cost 16 trillion in losses by 2030. Locally, the toll is evident in decreased academic outcomes, burnout, and turnover rates among students and school personnel. This Act will help in reducing such losses, making our students more productive and ready to contribute to nation building,” ang punong ehekutibo.






