Bumaba ang net trust ratings nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara duterte, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey na kinomisyon ng Stratbase Consultancy, lumalabas na ang trust rating ni Marcos ay bumaba mula sa 33% nitong Setyembre patungong 29% nitong Disyembre 2024.
Nasa 98% ang may awareness, 54% ng respondents ang nagsabing may tiwala sila, 19% ang undecided, at 25% ang maliit lamang ang tiwala kay Pangulong Marcos.
Mula sa 29% trust rating nitong Setyembre, bumaba sa 23% nitong Disyembre 2024 ang kay VP Duterte.
98% ang aware kay Sara, 52% ang nagsabing may tiwala sila, 17% ang undecided, at 29% ang may maliit ang tiwala.
Isinagawa ang survey mula December 12 hanggang 18, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 2,160 adult respondents.





